Akin lang napapansin
Karamihan sa mga Pilipino'y makakalimutin
Nakakalimot kung paano pinaglaban ng mga ninuno't bayani
Ang ating bayang matagal ding inangkin
Dugo, pawis at buhay ang inaalay
Makamit lang ang kalayaang atin nang ngayong taglay
Kaya't huwag kalimutang magnilaynilay
Bayang Pilipinas mahalin ng tunay
Huwag lang puro salita at pagpapakita
Oo, ipinagdiwang ang "Buwan Ng Wika"
Pinamukha namang mas hiyang sa wikang banyaga
Habang patawang binigkas ang sariling wika
Kung patuloy natin itong gawin
Sariling wika'y hindi respituhin
Sa pagtakbo ng panahon
Wikang Filipino'y mawawala na rin